
For unexplainable reasons, it’s so much better to sleep and snore in the afternoon than at night.
Kung tulad ko, nagigising ka na lamang sa bantot ng tumutulong panis na laway sa bibig mo habang nakatingin ang iyong crush na nakangiwi ang mukha sa pandidiri, isa ka ring “hapontukin.”
Peligroso ang maging hapontukin sa panahon ngayon. Sa eskwela, maaaring mapuno ng bukol ang anit mo pag ginawa kang target practice ng titser mong mahilig mambato ng eraser. Sa opisina, baka maiwan mo ang monitor mo sa facebook habang tulog ka, at masibak ka pa ng ‘di oras. At sa bahay, maaaring isang araw ay laglagan ka sa bibig ng patay na butiki ng nanay mo dahil babatu-batugan ka.
Kaya naman ako, hinding hindi ako nagpapatalo sa matinding pwersa ng antok sa hapon.
When hapontukin sets in, I do a lot of simple things to stay awake.
Halimbawa, ako ay…
NAGTITIMPLA NG ESPESYAL NA KAPE - Nagtitimpla ako ng dalawang teaspoon ng pinakamabagsik na kape at dalawang kutsarang asukal sa bagong kulong tubig. Binubuhos ko sa shorts.
GUMAGAWA NG PURONG CALAMANSI JUICE - Nagpipiga ako ng limampung calamansi na aking nilalagay sa paborito kong tasa. Upang maging mas epektibo, hindi ko na ito nilalagyan ng asukal. Binubuhos ko sa mata.
SINASAMPAL ANG AKING SARILI - Gamit ang isang insect swatter na ginagamit sa ipis.
NAKIKINIG NG MALAKAS NA MUSIKA - Sinusuot ko ang aking top of the line headphones, tinotodo ang volume, at nakikinig sa recorded na videoke session ng aming mga Barangay Tanod.
NAGPAPAPAWIS - Wearing my favorite running shoes, I jog to my neighbor’s house. Meron syang alagang rottweiler at pitbull na nakawala at nagpapahagad ako.
NAGPA-POWER NAP - Nirorolyo ko ang aking malambot na comforter at inaayos ang aking malalambot na unan. Pagkatapos ay hihilata sa gilid ng EDSA sa kainitan ng matinding trapik kasama ang mga taong grasa.
NANONOOD NG TV - Few things work better than watching your favorite TV show in the most comfortable chair in the house. Puma-popcorn ako ng isang dakot na siling labuyo.
AT SA OPISINA, AKO AY NAGHIHILAMOS - Ng patis.
Pero dati yun.

Ngayon, simple lang ang paraan ko para hindi tablan ng lintik na hapontukin syndrome. I take Enervon. Enervon has a unique vitamin formula called Steadi-Energy Complex, which equips me with lasting energy all throughout the day. Isang Enervon lang, kaya ko nang rumatsada mula umaga hanggang gabi, kahit hanggang madaling araw pa ‘pag nagyaya ang mga barkada kong forever uhaw sa beer.
Hindi na kailangan ng espesyal na kape, fly swatter o isang boteng patis.
Be a hapontukin no more. Go for Enervon.